Ano yung pinakamasakit na phrase na nasabi mo sa taong minahal mo? hindi yung overly savage na minura mo na or dinegrade mo sya ng masyado ha, what I mean is yung nasabi mo na alam mo na sa sarili mo na pagsisisihan mo pag hindi sya sumangayon or hindi ka nya pinagbigyan, apart from the cliche line which is “bumalik ka na sakin, parang awa mo na”. Ako ito: “tatanungin kita kung mahal mo pa ako, alam ko na ang isasagot mo at alam kong hindi ko yan magugustuhan pero, pwede bang magsinungaling ka? pwede bang sabihin mo sakin na oo kahit hindi? magsinungaling ka please” , tapos hindi nya ginawa hindi sya pumayag napatingin sya sakin dati at ramdam na ramdam kong hinuhusgahan nya ang pagkadesperada ko wag lang syang mawala. Pero noon yun, at hanggang ngayon hinding hindi ko parin makalimutan kasi pagkatapos nun naghalo halo ang naramdaman ko, naghalo yung hiya, galit, poot at yung bigat ng nararamdaman, na wala akong ibang magawa kundi magkulong sa kwarto ko at umiyak at makinig sa mga kanta ng Mayday Parade.
Kaya siguro ngayon ganito na ako, hindi na ako showy, hindi na ako sweet, hindi na ako pala tawag sa phone, heck hindi na rin ako masyado nageeffort. Gawa kasi nung kupal na yun, na trauma ako, kasi feeling ko talong talo ako na hindi ko malaman kung ano bang ginawa kong mali kasi tinodo ko ang pagmamahal ko para sa kanya, na hanggang ngayon napaka bitter ko kapag nakikita ko syang naglalaro ng basketball, kapag nakikita ko syang naka summer white or black liberty na naglalakad sa hallway, tanginang high school/puppy love na yan nakakatrauma e. Siguro nga naging element din yung sobrang pagka immature ko dati, well namin isipin mo naman mula 1st year high school hanggang 4th year high school kaming on and off, yung pinaasa ba akong may forever hahahaha punyeta, hoy kupal hindi ka pa ganun kagaling magbasketball dati e, pero ngayon Varsity ka na hahahahaha tamo nga naman ano? at hanggang ngayon kapag nagkakasalubong tayo sa hallway tinititigan mo parin ako, pero kahit anong mangyare hinding hindi kita papansinin kasi dahil sayo nagbago ako. Hoy moved on na pati ako sayo, sabi nila matagal mo na daw akong hinihintay and I tell them na gago ka, na ang dahilan na tunay kung bakit ka single hanggang ngayon is because puro lalaki kaklase mo, at ayaw mo ng sausage party HAHAHAHA. Matapos kong babaan ang pride ko nun para sayo pinagpalit mo parin ako, o ano ka ngayon? sabi ko sayo e you’ll regret choosing her over me. Wala hindi ka nakinig boy, lumipat ka pa hindi din naman kita papansinin lol.
Pwede ba? girls, never ever chase someone who doesnt want to be chased. I did that and I felt so fucking bad, and I cringe even until now and that was way back 4th year highschool ha? e ngayon I am a graduating college student na, pero okay na rin siguro at nangyare sakin yun dati at least ngayon hindi na ako takot mawalan ng boyfriend, hindi na ako naghahabol, at hindi na ako masyadong nasasasaktan. Salamat na rin koya, pero mag move on kana yung number mo sa jersey monthsary parin natin, kupal ka dyan hahahaha. Naalala ko lang narinig ko kasi yung “Hey Daydreamer” ni Somedaydream kanina sa Jeep edi ba yan ang napakajejeng song natin? HAHAHAHA kaaduwa baga. Yun lang nabother nanaman kasi ako at naalala ko yung kashungahan ko dati hahahaha.
PS. Masaya na ako ngayon kay Babe 😀