Sa susunod

Dalawang buwan na,

Ilang buwan pa ba?

Kanina tila huminto ang mundo ko ng mahagip ng

gilid ng aking paningin ang aninong tila katulad

ng saiyo,

bumilis ang tibok ng puso,

pinagpawisan ng todo,

nahirapan huminga at hindi malaman

ang gagawin.

Nakakatawa ganto rin ako dati pagdating sayo,

pero tama na,

pagod na ako,

ayoko na,

nilimot na kita,

MALI

nililimot pala.

Papalapit ng papalapit ang pigura,

at sa bawat yabag ng kanyang paa

naramdaman ko nanaman ang bilis ng pag kabog sa dibdib ko,

“Tama na, tapos na, pakiusap tahan na” 

ngunit hindi pala ikaw,

nanlambot at tila nanginig ang buong katawan ko,

natutuwa ba ako?

ewan ko.

Lunurin nalang ulit sa alak ang lahat,

idaan nalang ulit sa walang kwentang biro,

para paraan nalang para malibang ang sarili

mula sa katotohanan na wala ka na,

at hindi ka na babalik pa,

Lunurin nalang ulit sa alak ang lahat,

ng panghihinayang at sakit.

Sa susunod hindi na ako ganto,

sa susunod hindi na ako masasaktan,

sa susunod na makita kita wala na akong

madarama,

sa susunod na makita kita hindi na ako malulungkot,

hindi na ako manghihinayang sa pag-ibig na nasayang,

at hindi na ako mangungulila sayo.

–MEL

11:34 PM/April 30, 2017

Note: this is a piece that I wrote way back in April, and I found it earlier when I was cleaning my room. 

 

 

Who are you kidding?

Ilang buwan na ang lumipas,

ngunit nangungulila ka parin sa kanya,

Ilang gabi na ang dumaan,

ngunit boses parin nya ang iyong hinahanap-hanap,

Ilang araw pa ba bago mo makamtan ang kasiyahan?

Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?

Ang sabi mo saakin naka move on ka na sa kanya,

kaibigan nakikita ko sa iyong mga mata,

sigaw parin nila ang presensya nya,

ilan na ba silang dumaan sayo

para lang makalimutan mo sya ng sandali?

masaya ka bang nakakasakit ka?

sabi mo saki’y hindi mo sinasadya,

bakit ba kasi pinapatulan mo sila kahit alam mong

hindi mo naman talaga kaya pa?

sa kakahanap mo nawawala ka na,

idadaan nanaman ba natin sa alak?

kailangan mo nang tanggapin na ang balikan kay

hindi na nya balak,

tama na,

wag mo nang lokohin sarili mo,

kalimutan syay hindi mo parin magawa,

hindi mo naman kasi sinusubukan.

Popoy,

Ilang araw ka nang hindi nagpaparamdam,

Kamusta ka na?

andito lang  ako naghihintay ng mensahe mo

kahit isang text,

kahit blanko,

pero  wala.

Dati pinapatawa mo ako,

humahantong pa sa pagseselpi mo,

Ilang beses na akong nagtangkang tawagan ka,

ngunit hindi ko magawa, badtrip ang pride ano?

Poy, hindi ka naman dati ganyan a,

Sumobra na ba ako?

sinagad ko na ba pasensya mo?

ilang buwan ka na palang ganyan….ngayon ko lang nahalata,

napapagod ka na ba?  sorry ha?

pero siguro nga kasi

tumigil ka nang magpamiss kasi hindi naman kita namimiss,

hindi ka na naglalambing kasi hindi naman kita pinapansin,

hindi ka na nagpapatawa kasi hindi naman ako tumatawa,

hindi mo na ako iniintindi kasi wala naman ako pakialam sayo,

sinubukan mong iligtas ang natitira saatin ngunit hindi na ako sumama,

Pasensya na ha? mahal parin naman kita e.

Kaso hindi yun sapat di ba?

Baka nga napagod ka na rin sa pagmamahal sa akin,

hindi naman kita masisisi,

Ngunit ako bilang “Basha” mo

aasa parin ba ako sa “ako nalang ulit?

Hindi na, Poy

Alam kong mahirap akong mahalin,

lalo nang intindihin,

kaya’t kung ikakasaya mo ang “Bumasha” ng iba,

Palalayain kita,

karapatan mong mamahinga at maging masaya.

Pero sa ngayon umaasa parin ako sa mensahe mong

hindi ko alam kung kelan pa darating,

O, aking Popoy

wag mo na akong paasahin sa wala,

kung lilisan ka’y gawin mo na,

mas masakit linlangin ang puso,

mas maganda pa ang maging sawi.

-Basha

February 20, 2017 (10:36 PM)

(Featured Photo: Gah by Henrietta Harris)

Pwede ba?

Ano yung pinakamasakit na phrase na nasabi mo sa taong minahal mo? hindi yung overly savage na minura mo na or dinegrade mo sya ng masyado ha, what I mean is yung nasabi mo na alam mo na sa sarili mo na pagsisisihan mo pag hindi sya sumangayon or hindi ka nya pinagbigyan, apart from the cliche line which is “bumalik ka na sakin, parang awa mo na”. Ako ito: “tatanungin kita kung mahal mo pa ako, alam ko na ang isasagot mo at alam kong hindi ko yan magugustuhan pero, pwede bang magsinungaling ka? pwede bang sabihin mo sakin na oo kahit hindi? magsinungaling ka please” , tapos hindi nya ginawa hindi sya pumayag napatingin sya sakin dati at ramdam na ramdam kong hinuhusgahan nya ang pagkadesperada ko wag lang syang mawala. Pero noon yun, at hanggang ngayon hinding hindi ko parin makalimutan kasi pagkatapos nun naghalo halo ang naramdaman ko, naghalo yung hiya, galit, poot at yung bigat ng nararamdaman, na wala akong ibang magawa kundi magkulong sa kwarto ko at umiyak at makinig sa mga kanta ng Mayday Parade.

Kaya siguro ngayon ganito na ako, hindi na ako showy, hindi na ako sweet, hindi na ako pala tawag sa phone, heck hindi na rin ako masyado nageeffort. Gawa kasi nung kupal na yun, na trauma ako, kasi feeling ko talong talo ako na hindi ko malaman kung ano bang ginawa kong mali kasi tinodo ko ang pagmamahal ko para sa kanya, na hanggang ngayon napaka bitter ko kapag nakikita ko syang naglalaro ng basketball, kapag nakikita ko syang naka summer white or black liberty na naglalakad sa hallway, tanginang high school/puppy love na yan nakakatrauma e. Siguro nga naging element din yung sobrang pagka immature ko dati, well namin isipin mo naman mula 1st year high school hanggang 4th year high school kaming on and off, yung pinaasa ba akong may forever hahahaha punyeta, hoy kupal hindi ka pa ganun kagaling magbasketball dati e, pero ngayon Varsity ka na hahahahaha tamo nga naman ano? at hanggang ngayon kapag nagkakasalubong tayo sa hallway tinititigan mo parin ako, pero kahit anong mangyare hinding hindi kita papansinin kasi dahil sayo nagbago ako. Hoy moved on na pati ako sayo, sabi nila matagal mo na daw akong hinihintay and I tell them na gago ka, na ang dahilan na tunay kung bakit ka single hanggang ngayon is because puro lalaki kaklase mo, at ayaw mo ng sausage party HAHAHAHA. Matapos kong babaan ang pride ko nun para sayo pinagpalit mo parin ako, o ano ka ngayon? sabi ko sayo e you’ll regret choosing her over me. Wala hindi ka nakinig boy, lumipat ka pa hindi din naman kita papansinin lol.

Pwede ba? girls, never ever chase someone who doesnt want to be chased. I did that and I felt so fucking bad, and I cringe even until now and that was way back 4th year highschool ha? e ngayon I am a graduating college student na, pero okay na rin siguro at nangyare sakin yun dati at least ngayon hindi na ako takot mawalan ng boyfriend, hindi na ako naghahabol, at hindi na ako masyadong nasasasaktan. Salamat na rin koya, pero mag move on kana yung number mo sa jersey monthsary parin natin, kupal ka dyan hahahaha. Naalala ko lang narinig ko kasi yung “Hey Daydreamer” ni Somedaydream kanina sa Jeep edi ba yan ang napakajejeng song natin? HAHAHAHA kaaduwa baga. Yun lang nabother nanaman kasi ako at naalala ko yung kashungahan ko dati hahahaha.

PS. Masaya na ako ngayon kay Babe 😀

Mahal,

Pasensya na kung magsusulat nanaman ako para sa iyo, pasensya na kung ikaw nanaman ang topic ko, hayaan mo baka huli na ito. Nais ko lamang sabihin sa iyo na kahit sinabi ko nang itigil na natin kung ano man ang namamagitan sa ating dalawa, mahal na mahal parin kita. Sa totoo lang akala ko talaga ikaw na e, akala ko ikaw na ang mapapangasawa ko, na ikaw na ang makakasama ko hanggang sa pagtanda ko pero “akala” ko lang pala ang lahat. Ako nga ba ang problema? Oo, at hindi. Oo dahil hindi ko naman maaaring isisi sa iyo ang lahat, dahil alam ko namang may pagkukulang din ako sa iyo, hindi sapagkat para saakin yung huling pagkakaayos natin inexpect ko na magbabago ka, na hindi ka na katulad nung dati, pero hindi ganun ka parin. Umaasa nalang ako lagi, pero dahil mahal kita hinayaan ko na. Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito kasi ikaw lang ang binigyan ko ng paulit ulit na chance at ikaw lang ang binalikan ko. Ikaw lang ang pinakilala ko sa daddy ko, kasi hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng tama ko sayo. Dati akala ko pagmahal mo ang isang tao hindi ka mapapagod, akala ko hinding hindi ako mapapagod, pero dun pala ako nagkamali may hangganan pala. Darating at darating ka sa pintong masasabi mong “ayoko na, awat na”. At napagtanto ko yan nung thursday, nung gabing yun na tinawag mo akong “maarte” at nagtanong ka nung nasaan ako pero hindi mo ako pinuntahan man lang, naalala ko lahat ng pagkakataon na ginawa mo sakin yan, naalala ko nung unang beses na inaya kitang manood ng concert ng Silent Sanctuary sa covered court, hindi ba ganyan din ang nangyare? Pinaasa mo rin ako, tinext mo din ako kung nasaan ako tapos wala ka rin namang ginawa…..sabi mo nalowbatt cellphone mo, mahal hindi ba dapat gumawa ka ng paraan para macontact ako kasi gusto mo akong makasama? Pero hinayaan ko lang yun kasi mahal naman kita e, naalala ko yung panahong pinaghintay mo ako ng higit isang oras sa jolibee, okay lang naman sakin na maghintay e pero isang oras? Lagi mo nalang ginawa sakin yun e bakit ba mahirap sayo na mauna sa isang lugar? Naalala ko rin yung mga panahong kailangan ko ng kausap pero hindi mo man lang magawa, yung mga panahong kailangan ko ng kasama pero hindi mo ako masamahan, yung mga panahong kailangan kita pero wala ka. Napaisip ako kahapon ng “bakit ba ako nagtitiis e hindi nanaman magbabago to?” Mahal, mahal na mahal kita pero ayoko na. Hindi ko na hahayaang saktan mo pa ako, hindi ko na hahayaang paasahin mo pa ako, nasa isang relasyon tayo pero pakiramdam ko wala ka naman, nasa isang relasyon tayo pero ni hindi mo ako magawang puntahan. Hindi naman ako mahilig sa materyal na bagay di ba? Mas mahalaga kasi para sakin ang oras at effort. Pero hindi ka ganun e, siguro nga hindi ka para saakin kasi kahit anong pakiusap ko sayo, kahit ilang beses na kitang inaway dahil sa hindi mo pagsasabi saakin kung saan ka pupunta, o kung sino nga ba yung babaeng yun, wala ka lang pakialam, hindi ka siguro para saakin kasi hindi ganyan ang ugali ko. Mahal, ayoko na dahil mas madalas pa ang away natin kesa sa masaya tayo, mas madalas pa ang sama ng loob kesa kilig, mas madalas ang chat kesa sa mga yakap, at mas madalas pa ang tampuhan kesa halik. Aaminin ko na nahili na ako sa ibang magkasintahan, nahili na ako sa samahan nila napatunayan ko na hindi nga pala sa tagal yun, kasi tayo mahigit nang isang taon pero ni hindi mo nga mahawakan ang kamay ko kapag naglalakad tayo, ni hindi mo magawang wallpaper ang litrato ko, hindi mo nga rin ako binigyan ng bulaklak nung valentines, at lalong hindi mo man lang maipublic ang birthday  greeting mo saakin. Dati hindi ko lang sila pinapansin pero ngayon nahihili na ako, sigiro hindi nga lang tayo para sa isat isa, kasi lahat ng hinahanap ko wala naman sayo at hinding hindi ka naman magbabago, lalo na para sa akin. Mahal, matatawa ka kasi confident na confident akong ikaw na nga, nagplano na ako ng tatlong lalaking anak mula sayo may mga pangalan na nga sila e haha pero hayaan mo na, matutupad parin naman sila hindi nga lang ikaw ang ama. Mahal wag kang mag alala, wala nang magsusungit sayo, wala nang mang aaway sayo, hindi narin kita kukulitin na magchat o magtext, wala nang magiinarte sayo, wala naring magaakit sa inuman sayo, pagod na ako mahal. Kinakailangan ko nang magpahinga kasi kailangan ko nang hanapin muli ang sarili ko, yung ako nung bago pa kita makilala, kailangan kong ayusin ang sarili ko para sa susunod kong mamahalin, para buo na ulit ako para hindi na nya ako kailangan pang ayusin. Mahal paalam na, ngayon malaya ka na talaga hindi na kita guguluhin, hindi na ako manghihingi ng pagkakataon sapagkat naibigay ko na ang lahat, napagod na akong gumawa ng excuse para sayo, napagod na ako mahal, sanay mapatawad mo ako. Hindi ko na kinayang kumapit pa dahil nasasaktan na ako sa pagkakatali ng lubid, kinailangan ko nang bumitaw. Yung mga tula at awit na naisulat ko para sayo, hayaan mo ibabaon ko nalang sa limot, hindi mo rin naman narinig e hahaha salamat nalang sa mga ala ala. at salamat narin sayo kasi ikaw din ang dahilan kung bakit natauhan ako. O aking marino, patawad pero kailangan ko nang umalis hindi na rin kasi tayo masaya, hindi pala ako ganun kalakas, mahal na mahal kita wag mong kakalimutan yan ha? Dumating ako sa punto na ikaw lamang ang nais kong makita araw araw, pero ngayon isang ala ala na lang yun. Pasensya na at binlock kita sa messenger, pero niunblock na rin kita baka kasi kailanganin mo ng kausap, yung mga hindi mo kayang sabihin kina Ian at Nicky, bukas lang lagi ang inbox ko para sayo, nandito parin naman ako bilang iyong kaibigan kasi kahit papaano naman kakilala na kita, kung gusto mo ng kausap narito lang naman ako, hindi ako mawawala ng parang bula. 

Malamig na gabi: Munimuni

Bale, pangatlong baso ko na ng kape ito ngayon.

Ang lamig lamig naman kasi eh ang lakas maka senti ng panahon. Naaalala ko ang pasko, at walang ibang dinulot saakin ito kundi lungkot. Katulad ngayon eto nanaman ako o, sa totoo lang wala talaga akong balak na magsulat ngayon e kaso para narin may magawa at ng hindi ako ginugulo ng isipan ko. Lalo na ngayon at wala naman akong makausap ng matino dito sa bahay, kaya heto hanggang ngayon naka kulong ako sa kwarto, maghapon na ito, ay sandali halos magtatatlong linggo na nga pala akong hindi nalabas ng bahay (syempre exception nung birthday ko haha). At hindi parin ako naliligo hanggang ngayon, bakit ba? wala namang aamoy sakin e. Kanina pagbaba ko para kumuha ng bingo sa jar nakita ako ni Nanay at tinanong nya ako “Ano bang problema mo at nagmumukmok ka sa kwarto mo? share naman” natigilan ako saaking kinatatayuan at medyo matagal rin bago ako naka sagot, hindi ko kasi maintindihan kung ano nga ba ang nararamdaman ko, hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla ko na lang gustong umiyak, sa wakas nahanap ko na ang dila ko at sumagot ako ng “Ha? wala naman po ‘nay sinusulit ko lang talaga ang bakasyon”, sabay dali dali kong kinuha ang biskwit at patakbong umakyat ng hagdanan at pagkarating sa aking silid ay agad kong ni-lock ang aking pintuan, napaka bilis ng tibok ng aking puso, at nadurog na din yung bingo. Sabay napatanong akong sa sarili ko ng “ano nga ba ang problema mo?”, pag minsan kasi hindi ko na rin maintindihan ang aking sarili, katulad nalang kanina akala ko ayos lang ako at akala ko nga nageenjoy pa ako sa panunuod ng season 2 ng The Walking Dead na inabot ako ng magdamag para i-download, pero pagbaba ko biglang hindi na pala ako okay. Nakakaputangina lang kasi kung iisipin, ako lang ba ang ganito? ang bobo naman ng tanong ko, syempre hindi lang ako di ba? haha.

Karamihan kasi sa atin mapag panggap, mapag panggap ng nararamdaman. Normal naman yan kaso bakit parang hindi naman dapat? katulad ko. Ayaw ko kasi ng tinatanong ako ng tinatanong lalo na kapag medyo personal na, ayoko ng paulit ulit, ayaw ko kasing machoke, ayaw kong makikita akong naiyak, ayaw kong makita nila na mahina ako, pero ang totoo…mababaw talaga ang luha ko, pinipilit ko lang dalahin at ilugar ang pag atungal ko. Pag minsan kinakagat ko dila ko, o dinidilaan ko yung ngala ngala ko kapag ramdam ko na naiiyak na ako, kadalasan nagbibiro ako at kapag natatawa na sila natatawa narin ako, pero iniinda ko parin ang pagpatak ng aking luha. Magaling ba akong magdala ng problema? gago hindi hahaha, pag minsan nakakaisip narin akong gumawa ng hindi dapat kaso natatakot akong baka sisihin nila ang pamilya ko kapag ginawa ko yun, at kung totoo ang langit…baka hindi ako papasukin, kaya eto madalas nagsusulat nalang ako, o dinadaan ko nalang sa pagtulog ang lahat. Sinubukan ko naman na sabihin sa iba ang mga problema ko kaso, hindi sila naniwala e tinawanan lang nila ako, akala kasi nila nagbibiro ako. So balik tayo sa katanungan ni Nanay na kung “may problema” nga ba ako, dahil naka pagisip na ako at naitanong ko na rin sa sarili ko yan, oo Nanay may problema ako sa totoo lang marami nga e: natatakot ako sa darating na pasukan dahil hindi ko alam kung kakayanin kong makakuha ng matataas na marka sa aking mga aralin, natatakot akong baka mabuwag ang tropahan namin dahil sa alitan ng dalawa, natatakot akong baka hindi payagang umuwi ang Daddy ko sa graduation ko, at natatakot ako na baka hindi ako makuha sa Cebu Pacific na baka makapag patulong ako kay “Tito Ninong” na may katungkulan sa ahensya ng Magsaysay Corp, natatakot akong paginitan ng mga katrabaho ko kasi may “backer” ako, na hindi ko kayang makapasok  sa trabaho ng ako lang. Oo nanay tangina ang dami dami kong problema, yung problema ko hindi lang yung pang ngayon, pang bukas…yung akin nagsspan na ng mga 2 years. Advance ba ako magisip? marahil.

Pero hindi ko maaaring sabihin sayo yan Nanay, kasi baka pagisipan mo ako ng masama kasi di ba hindi naman ganyan ang nakasanayan nyong ako? sanay kasi kayo na “happy go lucky” ako, na YOLO lang lagi, bungisngis, matalino nga ako sa paningin nyo e. Pero hayup na yan, kinakain ako ng takot tuwing saulian ng test papers kasi alam ko sa sarili ko na hindi na ako “halimaw” katulad nung highschool na kahit hindi mag review nakaka perfect sa exams, ngayon sa totoo lang kahit naka 2 bote na ako ng gatorade na blue at isang tasang kape magising lang sa pagrereview…hindi pa rin kataasan ang nakukuha kong marka. Nanay dahil sa simpleng katanungan mo saakin nag overthink nanaman ako, dahil sa pagtatanong mo sakin kung may problema ako nahalungkat ko kahit yung kaunaunahan kong hinaing mula ng magsimula ako mag kolehiyo……ikaw palang kasi ang nagtanong saakin nyan na walang bahid ng kahit ano. Kaso hindi ko maaaring sabihin sa iyo e, salamat nalang kasi napansin mong may kakaiba sa akin kasi kahit ako hindi ko na rin napansin e hahaha. Karamihan naman saatin mas pinipili pang magsinungaling para umiksi ang usapan di ba? kaya Nanay pagbigyan mo na lang ako ha? hayaan mo, baka balang araw masabi ko rin sayo.

Eto na nga ba kaya ayaw ko kapag malamig ang gabi e, lumalabas ang kaartehan ko. Bahala na nga kayo dyan bababa na ako, maliligo at magtitimpla ulit ng kape hahaha.

Ikaw tol? Okay ka lang ba?

(Featured image from facebook)